WOW: World of Wrestling



Sa totoo lang, hindi ako isang taga-hanga ng pagbubuno. Hindi ko ito pinapanood sapagkat hindi ko naiintindihan kung bakit kinakailangan may lubhang masaktan para kumita. Hindi ko rin nauunawaan kung bakit aliw na aliw ang mga tao sa tuwing ito’y kanilang npapanood. Ano ba ang nakakatuwa sa sakit na idinaranas ng mga mambubuno? Anu-ano ba ang mga benepisyong nakukuha nila sa pagigigng isang mambubuno? Noong bata pa ako, hirap na hirap akong sabayan ang kuya sa tuwing nanonood siya ng pagbubuno dahil hindi ko nakikita ang halaga ng larong ito. Habang lumaki, ito ang paningin ko sa pagbubuno. Ito ang laging nasa isip ko tuwing naririnig ko ang salitang pagbubuno. Subalit, pagkatapos kong basahin ang pagsusuri ni Roland Barthes tungkol sa pagbubuno, lumawak ang paningin ukol sa paksang ito. Nag-iba rin ang paningin at opinyon ko sa pagbubuno.

Inihambing ni Roland Barthes ang pagbubuno sa isang teatro. Ayon sa kanya, ang ipinapanood natin ay hindi isang laro o isport kung hindi isang dula. Mga representasyon ng sakit ang mga mamabubuno. Ikinatutuwa ng mga manonood ang sakit na idinaranas ng mga mambubuno sa loob ng ring. Ayon kay Barthes mas importante ito kaysa sa tunay na nangyayari.

Ang mga galaw kung saan sumikat ang isang mambubuno ay mahalaga sa mundo ng pagbubuno. Nagsisilbi ito bilang kanilang sariling pagkakakilanlan. Ang mga galaw ang rason kung bakit sila’y sumisikat at hinahangaan. Tumutulong rin ang itsura ng mga mambubuno sa paggawa ng mala-teatrong pakiramdam. Nasabing ang mga mambubuno ang mga tauhan kaya’t mahalaga na magka-ugnay ang kanilang ikinikilos sa kanilang kasuotan. Sa ganitong paraan, mas nagiging kapakapaniwala ang pagsasadula ng mga mambubuno.
Maliban sa mga naunang nabanggit, gumawa si Barthes ng panibagong naratibo tungkol sa pagbubuno. Mas napahalagaan ko ang panibagong naratibo na ito dahil nagulat ako sa kanang pagsusuri. Binanggit ni Barthes na moralidad ang nais na ipahiwatig ng pagbubuno. Mas naaakit ang mga manonood sa pagsubaybay sa laro dahil interesado sila kung sinu-sino ang nananalo at ang mga natatalo. Maliban doon, nalilibang ang marami sa tuwing may nakikita silang nasaksaktan at nahihirapan. Higit pa man, ang panonood ng pagbubuno ay nagsisilbing katarsis. Dahil hindi tanggap sa lipunan ang pananakit, idinadaan na lang ng masa ang kanilang kagustuhan sa panonood. Sa ganitong paraan, natutupad ang ganilang kagustauhan habang sumusunod sa kagustuhan ng lipunan.

Sobrang humhangga talaga ako sa galing ni Barthes. Nagawa niyang kumuha ng isang bagay at ihambing sa napakaibang bagay. Nakahanap siya ng kaugnayan sa pagitan ng dalawang bagay na ito. Sino ba na man ang makakaisip na ang pagbubuno ay higit pa isang laro kung hindi ito ay isang dula? 

1 comments:

 

Blogger news

Blogroll

About