HIMALA



Bakit ba tayo nanonood ng mga pelikula? Ano nga ba ang nagugustuhan natin sa mga ito? Tayo ba ay patuloy na nanonood dahil wala tayong magawa? O may natatanging tayong nagugustuhan? Maraming mga dahilan kung bakit tayo patuloy na nanonood ng mga pelikula. Ang mga artistang umaarte sa mga ito ang isa sa mga rason kung bakit tayo ay nanonood sa nasabing pelikula. Ang kanilang husay sa pag-arte at pagganap ng iba’t ibang mga tauhan ang patuloy nating inaabangan tuwing sila ay may bagong palabas maging sa telebisyon o sa sinehan. Humahanga tayo sa kanilang galing kaya sila ay patuloy nating sinusuportahan.

Isa si Nora Aunor sa pinaka sikat at hinahangaang artista hindi lamang sa bansa ngunit pati na rin sa pandaigdig na industriya. Napakaraming parangal  na ang nakamit niya sa buong buhay niya dahil sa husay niya sa pag-arte. Siya ang unang Pilipinong actor na nakakuha ng pandaigdigang parangal sa Major Film Festival noong 1995 para sa pelikulang “The Flor Contemplasyon Story.” Siya ring ang may pinaka maraming parangal at nominasyon na pandaigdigan.Higit pa man, siya ang tinataguring “Box Office Queen of Philippine Cinema.” Kilala siya hindi lang bilang isang aktor ngunit bilang isang mang-aawit at film producer din. Naging inspirasyon siya para sa marami na guston rin maging isang kilalang artista katulad niya. Idolo siya ng marami sa ating kasalukuyang mga artista.

Itinuturing ang kanyang pagganap bilang Elsa sa pelikulang Himala bilang isa sa pinaka magaling niyang pag-arte sa buong karera niya bilang artista. Kung papanoorin natin ng mabuti ang pelikulang Himala, mapapansin natin na kakaunti at maiikli lang ang mga linya ni Elsa sa buong pelikula. Kung isasaisip natin ito, paano nakamit ni Nora Aunor ang parangal na Best Actress?

Sa pelikula, tahimik lang ang tauhang si Elsa. Hindi siya gaano nagsasalita; hindi siya madaldal. Nagsasalita lang siya tuwing may importanateng sasabihin. Minamal lang ang kaniyang mga sinasabi. Kung mahahalata natin, sa mga mata nakapokus ang kamera.

Sa pagtingin natin sa mga mata ni Nora Aunor, nararamdaman natin lahat ng mga damdamin na gusto niyang iparating sa atin. Nagagawa niyang gumawa ng koneksyon sa kanyang mga manonood. Nagagawa niya rin magkwento gamit ang kanyang mga mata. Hindi niya kinakailangang magsalita para ipahayag sa atin ang nais niyang iparating. Isang tinging sa kaniyang mga mata, alam na natin kung ano ang gusto niya sabihin.

Ang paggamit ng kaniyang mata sa pag-arte ang isa sa mga rason kung bakit itinatagurin si Nora Aunor bilang isa sa mga pinaka mahusay na artista sa bansa. Mahirap hanapin ang mga taong may ganitong klaseng talento. Bihirang-bihira ang marunong umarte gamit ang kanilang mga mata. Hindi lang basta-basta nakakamit o natatamo ang ganitong klaseng pag-arte. Hindi rin ito idinadaan sa karanasan at katagalan sa pag-arte. Naniniwala ako na ang mga tanging nakakagawa nito ay talagang ipinanganak na may gantitong talent at kakayahan  at, isa si Nora Aunor sa mga ito. Ito ang hinahangaan ko sa kaniya. Alam niya kung paano magpahiwatig ng mensahe na hindi kinakailangan magsalita. Dahil sa talent niyang ito, naniniwala ako na karapatdapat lang na ituring siya na isang “superstar” sapagkat nahigitan niya ang ibang mga artista.  




0 comments:

Post a Comment

 

Blogger news

Blogroll

About