Bakit nga ba mahilig makiuso ang mga Pilipino? Sinasadya ba nila ito o hindi talaga nila maiwasan ang ugaling ito?
Bago pa ang lahat, sinu-sino ba
ang nasasangkot sa kulturang popular? Ang kulturang popular ay para sa masa: sa
mga babae’t lalaki, bakla’t tomboy, mayaman at mahirap, matanda at bata, at iba
pa. Ngunit ano ba ang kulturang popular? Ayon kay Rolando Tolentino, ang
kulturang popular ay hindi lang simpleng nakikiuso kung hindi ito ay isang
tereyn ng tunggalian. Dito mahahanap ang iba’t ibang value systems ng masa at
maging ang mga negosyante.
Binanggit ni Tolentino na isa sa mga katangian ng kulturang popular ang
kakayahan nitong lumikha ng kita. Isa sa
mga nakikinabang sa kulturang popular ay ang mga negosyante. Nagiging isang
kagamitan o commodity ang kulturang popular para sa karamihan dahil hindi na
kinakailangan humanap ng mga paraan para alukin ang masa. Ang masa mismo ang gumagawa
ng mga paraan para lumaganap ang ano mang bagay o produkto. Dito nangingibabaw
ang kahalagaan ng teknolohiya sa kulturang popular. Nagiging daan ang kulturang
teknolohiya para sa epektibong sirkulasyon ng produkto, maging
print, broadcast, internet at iba pa. Sa ganitong pamamaraan, habang napapadali
at gumiginhawa ang buhay ng mga negosyante, nasisiyahan naman ang masa. Marahil
may ibang klaseng saya ang nadudulot ng masa sa pagiging bahagi ng kulturang
popular, hindi nila namamalayan na sila ay gumaganap na instrumento para sa mga
negosyante.
Datapwat, ang masa ang may kapangyarihan rin dahil sa kanila rin umiikot
ang mga serbisyo at produkto na inaalok ng mga negosyante. Binabase sa mga
hilig at pangangailangan ang mga produkto at serbisyo na inilalabas sa merkado.
Naghahanap at gumagawa ng paraan ang mga negosyante upang bumagay ang kanilang
mga produkto sa iba’t ibang pangkat ng lipunan. Dito lumalabas ang konsepto ni Tolentino na
ang kulturang popular ay isang middleground. May negosasyon na nagaganap sa
pagitan ng masa at ng mga negosyante. Hindi man aktuwal na negosasyon ang
nagaganap kung hindi ang pagtanggap sa mga produkto na ipinahihiwatig sa masa.
Kinakailangan ring tandaan na sa kabila ng kasiyahan na ibinibigay ng mga
produkto, may sakit din na naidudulot ang kultrang popular. Marami ang
kinakailangang isakripisyo ng mga mamimili para lang matamo nila ang mga
pinapangarap na mga bagay-bagay. Handa silang masaktan dahil gusto nila makiuso
sa uso na nagging uso dahil sa masa. Ito ang ideya ng sado-masokismo na isang
katangian ng kulturang popular.
Laging may sentrong pinapanggalingan ang kulturang popular. Madalas ang
sentro ay maaring mga ulong-bayan, mga pangunahing lungsod, at mga sentro ng
kosmopolitanismo at urbanidad. Kung ano ang nagaganap sa sentro ay sinusundan
ng mga periphery. Para itong nakakahawang sakit na hindi natin maiwasan.
Sa pangkahalatang pananaw, ang kulturang popular ang realidad ng masa. Lahat
ng ating kinikilos ay nakabase sa kulturang ginagalawan natin. Kahit may mga
iba’t ibang mga pag-uuri sa lipunan at may sari-sariling paniniwala, hindi natin
maiiwasan at matataguan ang kulturang popular lalo na sa panahon ngayon kung
saan tayo ay nasa teknolihiyang era. Kahit hindi natin aminin, lahat tayo ay
tumutulong sa pag-usbong ng kulturang popular. Kahit mahalin natin or
kasuklaman ang isang ideya, lalo nating itinataguyod ang produkto sa
pamamagitan ng pagtatanggap sa ating kultura.
kailan po iyon binanggit ni Rolando Tolentino? Anong year?
ReplyDelete2013
Delete2013
DeleteIto po ba talaga ang kahulugan ni tolentino sa kulturang popular?
ReplyDeleteOo
ReplyDeleteOo
ReplyDeletePwd po makahingi ng primary source? badly needed for our pananaliksik. please huhu
ReplyDelete