ONE MORE CHANCE



Ang One More Chance na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ay isang pelikulang pinapaburituhan ng marami ngunit batay sa aking personal na panunood ay hindi ko gaano nagugustuhan ito. Isa sa mga rason na nakikita ko kung bakit hindi ko gaano nagustuhan ang pelikula ay marahil hindi ako “die-hard” fan ng tamabalang Bea’t John Lloyd. Masasabi ko naman na bilang mga artista, mahuhusay sila at nagagampanan nila ang kanilang papel na mabuti. Gayunman, hindi parin ako kinikilig sa tambalan nila. Pangalawa, hindi ako gaano nanunood ng mga Pilipinong pelikula at kung manood man ako ay bihira na may magustuhan ako. Datapwat, ang Once More Chance kung tutuusin ay hindi naman talaga isang masamang pelikula.

Sa pamagat pa lamang ay alam na ng mga manunood na ang mga tauhang sina Basya at Popoy ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at sa huli ay nagkabalikan rin. Dahil dito, medyo naging predictable ang kwento ngunit ang pagsasapalaran at ang pinagdaanan ng dalawang bida sa  kwento ang talagang sinubaybayan ng mga taga-hanga at manunood.

Kahit hindi nagkatuluyan sina John Lloyd at Bea bilang magnoble sa totoong buhay, maganda pa rin ang “chemistry” nila kaya naging kapakapaniwala ang relasyon nila sa mga kamera. Isa ring sa mga magagandang aspeto ng pelikula ay marami sa mga manunood ang nakaka-relate sa sitwasyon nina Basya at Popoy at dahil dito, nagustuhan ng marami ang pelikula. Naramramdaman nila ang sakit at ipinagdaraanan ng mga tauhan kaya’t gusting-gusto nila ang ganitong klase na pelikula.

Magandang halimbawa ng kulturang popular ang One More Chance dahil patok na patok ito sa masang Pilipino. Mas ikanatutuwa nila ang ganitong klaseng pelikula at kwento dahil mahilig ang mga Pinoy sa drama. Higit pa man, ang mga pelikula na katulad nito ang hinahanap-hanap ng masa kaya’t ito naman ang ibinibigay ng industriya.



   

0 comments:

Post a Comment

 

Blogger news

Blogroll

About