SOSY PROBLEMS



Hindi ko nagustuhan ang pelikulang Sosy Problems sapagakat hindi ako naaaliw sa interpretasyon nila ng pagiging ‘conyo.’ Alam ko na mayroon talagang mga Pilipino na ganoon magsalita at umarte. Masakit tanggapin na mayroon taong ganoon kumilos, magsalita at mag-isip. Paminsanminsan, ganoon rin ako magsalita kaso hindi naman ganoon kalala. Minsan, hindi ko naiiwasan sabihin “The insects are making dapo on my legs.” Hindi ko namamalayan na ganito ako magsalita dahil lumaki at nasanay ako sa ganitong klaseng pagsasalita sapagkat ganito magsalita sa bahay at tuwing kasama ko ang aking mga kaibigan.  Ngunit, kahit nasabi ko na ganoon ako magsalita, hindi naman ganoon umarte.


Ipinapakita ng pelikulang Sosy Problems ang ‘worst case scenario’ ng pagiging ‘conyo.’ Sa panahon natin ngayon, may ibang kahulugan na ang salitang ‘conyo’ at hindi na binabase sa kaniyang tunay na pinanggalingan. Binigbigyan diin ng pag-arte nina Rhian Ramos, Solenn Heusafff, Bianca King at Heart Evangeslista ang pinaka malala, pinaka grabe at pinaka OA na halimbawa ng pagiging conyo. Sa kanilang kilos, pagsalita at pag-isip, nakikita natin kung gaano kaiba ang henerasyon natin ngayon.

Ipinakita rin ng pelikula kung papaano umiikot ang mundo ngayon sa pera at sa teknolohiya. Una sa lahat, ang kuwento ay umiikot sa mundo ng mga mayayaman. Nakikita natin kung paano nila ginagastos ang kanilang pera at oras. Ipinapakita rin ng pelikula na nabubuhay na tayo sa mundo kung saan ang teknolohiya lalo na ang social media ang daan para sa mas magandang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usapan. Sa pelikula, nangyari ang resolusyon kung saan ginamit ni Claudia (Heart) ang iPhone at ang social media para ipag-alam sa mga tao ang masamang gawain at plano ng kontrabida. Ipinakita kung paano inilabas ng lahat ng tao, maging mayaman o mahirap ang kanilang mga Smart phones para alamin kung ano ang gusto sabihin ni Claudia.  

Pagkatapos mo panoorin ang pelikula, mapapadalawang isip ka kung ganoon kang klaseng tao.


0 comments:

Post a Comment

 

Blogger news

Blogroll

About