POSTMODERNISM



Marahil hindi natin alam ang eksaktong kahulugan ng konseptong postmoderno, hindi namamalayan ng maraming tayo na nabubuhay na tayong lahat sa isang postmodernong mundo. Maraming mga dalubhasa ang nakakapansin sa unti-unting pagbabagong-anyo ng ating lipunan at patungo tayo sa isang postmodernong mundo. Maraming mga senyas ng pagbabago ang nakikita sa kilos at pag-iisip ng masa hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo rin.

Hindi alam ng marami na pinapanood tayo ng buong mundo. May mga mata ang bawat sulok ng ating pinupuntahan. Kahit saan ka man magtago, may mga mata parin na sumusunod. Nasa loob tayo ng isang panopticon at bahagi ito sa pagiging postmoderno natin. Tayo ang sentro ng atensyon. Hinuhusgahan ang bawat kilos natin pati na rin ang pamamaraan kung paano tayo magsalita, maglakad, gumalaw, magbihis at iba pa. Tayo rin ang humuhusga sa sarili at sa kapwa. Isa itong katotohanan na kailangan tanggapin sapagkat hindi naman na ito maiiwasan o maaalis.

Tayo ay gumagala sa isang postmodernong mundo kung saan unti-unting nawawala ang kahulugan at halaga ng mga bagay at maging tao rin. Umiikot sa ideyang dehumanization ang post-modernong pananaw. Dito pumapasok ang konsepto ng consumerism at ‘death of the subject’. Sa post-modernong lipunan, nagsisilbing komoditi ang mga tao. Hindi na sila nakikita bilang tao kung hindi isang bagay na lamang na maaaring pagsilbihan. Ang tao ay ginagamit. Nawawala na ang respeto para sa isang indibiduwal. Unti-unting nawawala ang tradisyonal na ideya kung saan ang tao ay napaka halaga at hindi tayo maaaring bilhin.  Dahil nabubuhay tayo sa isang kapitalistang mundo, ang halaga ng tao ay binabase na lang sa pagbunga ng kanyang silbi. Isang halimbawa ang paggamit ng mga artista para ibenta o mag-endoso ng isang produkto o ideya sa masa. Isa ring halimbawa ang pagsira ng hanggagan ng personal na buhay ng mga ating paboritong mga artista  at mga taga-hanga. Nawawala na ang kanilang privacy.

Isa rin senyas na tayo ay nabubuhay sa isang postmodernong ang pagkakaroon ng pastiche at parody sa buhay. Marami na tayong nakikitang parodiya na kumakalat sa lahat ng klaseng media, maging sa mga diyaro, sa mga magazine, sa internet at iba pa. Ang pagbababoy ng isang bagay upang gawing katawatawa ang mas nakikilala at mas popular na uri ng parodiya. Kumukuha tayo ng isang ugali at ginagawa natin itong katawatawa o ibinababoy natin ito. Ang kahulugan at konsepto ng pastiche ay malapit sa kahulugan ng parodiya. Ito rin ang paggaya ng isang natatanging ugali o katangian ngunit hindi ito ginagawang katawatawa. Sa pastiche rin, hindi malinaw ang isang bagay o ideya at hindi rin malinaw kung bakit ginusto ng isang taong gahayin ang isang bagay . Hindi naman kinakailangan na may dahilan ang bawat desisyon o kilos ng mga tao. Maaaring ginusto ng tao na gayahin o gamitin ang isang bagay sa simpleng rason na ginusto niya lang.

 Hindi natin maiiwasan ang pagtungo ng mundo sa postmodernong. Ayaw man natin tanggapin ito, bahagi na tayo ng ganitong klaseng lipunan. Hindi natin namamalayan na tayo rin ang rason kung bakit naging postmoderno ang lipunan natin. 

0 comments:

Post a Comment

 

Blogger news

Blogroll

About