THE REUNION: A TRIBUTE TO THE ERASERHEADS



Nagustuhan ko ang The Reunion kung saan bumibida sina Enrique Gil, Xian Lim, Enchong Dee at Kean Cipriano. Naniniwala ako na maganda itong halimbawa ng kulturang popular. Hindi ko nakita sa kwento ang pagiging kulturang popular niya ngunit nakita ko sa produksyon, konsepto at paggawa ng pelikula kung papaano ipinakita at ipinamalas ang kulturang popular ng Pilipinas. Napansin ko na umiikot ang pelikula sa bandang Eraserheads. Isa sa mga pinakasikat na banda sa Pilipinas ang Eraserheads at malaki ang naging impluensya nila sa OPM.

Una sa lahat, makikita sa poster ang pagkakabaliktad ng letrang ‘E’ sa salitang ‘Reunion.’ Pina-uso ng bandang Eraserheads at ang pagkakabaliktad ng letrang ito at ito ang naging tatak nila sa industriya. Higit pa sa pagkakabaliktad ng letrang ‘E’ ay napansin ko rin na binase sa mga album cover ng E-heads ang mga poster at ads ng The Reunion.  

Pangalawa, napansin ko na mga kanta ng bandang Eraserheads ang ponogramang (soundtrack) ginamit sa buong pelikula. Sabay sa paglabas ng pelikula ang paglabas ng album na “The Reunion: An Eraserheads Tribute Album.” Ito ang opisyal na ponograma ng pelikula at base nga sa pangalan, ito rin ang tribute album para sa Eraserheads. Sa album na ito, itinampok ang pinakasikat na mga kanta ng E-Heads at kinanta ang mga ito ng iba’t ibang sikat na Pilipinong banda at musikero katulad ng Callalily, Mayonnaise, Itchyworms, Aisa Siguero at iba pa.


Panghuli, binase sa ibang kanta ng E-heads ang ibang mga tauhan. Ang mga tauhang sina Toyang, Shirley at Ligaya ay titolo ng mga kanta ng Eraserheads. Si Ali  ay ipinanglan sa kantang Alapaap,  si Julie sa Julie Tearjerky, si Aling Nena sa Tindahan ni Aling Nena, si  Ning Ning sa Paro Parung Ningning, at si Jay sa Hey Jay.

Nakikita natin sa pelikulang ito kung gaano kalakas ang impluensya ng bandang Eraserheads sa masang Pilipino. Sila ay inspirasyon para sa marami. Kahit humiwalay na sila bilang isang banda, marami ang humahanga sa kanila at nakikinig sa kanilang musika.

Iba pang trivia galing sa Wikipedia:
  • The main protagonists are similar to the Eraserheads members
  •  The school was named as Padre Orlando Prudenciano University or Pop U! which was taken from the E heads unofficial album or a sample demo.
  • The scene where Joax, Lloyd, Jay and Ali checked in a hotel was named as Andalusian Hotel (taken from the E heads song, Andalusian Dog).
  • The piano played by Miggy (Louis Abuel) and Joax (Xian Lim) was inspired by the E heads album Sticker Happy.

CLICK LINK!


0 comments:

Post a Comment

 

Blogger news

Blogroll

About