Sa totoo lang, hindi ako isang taga-hanga ng
pagbubuno. Hindi ko ito pinapanood sapagkat hindi ko naiintindihan kung bakit
kinakailangan may lubhang masaktan para kumita. Hindi ko rin nauunawaan kung
bakit aliw na aliw ang mga tao sa tuwing ito’y kanilang npapanood. Ano ba ang
nakakatuwa sa sakit na idinaranas ng mga mambubuno? Anu-ano ba ang mga
benepisyong nakukuha nila sa pagigigng isang mambubuno? Noong bata pa ako, hirap
na hirap akong sabayan ang kuya sa tuwing nanonood siya ng pagbubuno dahil hindi
ko nakikita ang halaga ng larong ito. Habang lumaki, ito ang paningin ko sa
pagbubuno. Ito ang laging nasa isip ko tuwing naririnig ko ang salitang
pagbubuno. Subalit, pagkatapos kong basahin ang pagsusuri ni Roland Barthes
tungkol sa pagbubuno, lumawak ang paningin ukol sa paksang ito. Nag-iba rin ang
paningin at opinyon ko sa pagbubuno.
Inihambing ni Roland Barthes ang pagbubuno sa
isang teatro. Ayon sa kanya, ang ipinapanood natin ay hindi isang laro o isport
kung hindi isang dula. Mga representasyon ng sakit ang mga mamabubuno.
Ikinatutuwa ng mga manonood ang sakit na idinaranas ng mga mambubuno sa loob ng
ring. Ayon kay Barthes mas importante ito kaysa sa tunay na nangyayari.
Ang mga galaw kung saan sumikat ang isang
mambubuno ay mahalaga sa mundo ng pagbubuno. Nagsisilbi ito bilang kanilang
sariling pagkakakilanlan. Ang mga galaw ang rason kung bakit sila’y sumisikat
at hinahangaan. Tumutulong rin ang itsura ng mga mambubuno sa paggawa ng
mala-teatrong pakiramdam. Nasabing ang mga mambubuno ang mga tauhan kaya’t
mahalaga na magka-ugnay ang kanilang ikinikilos sa kanilang kasuotan. Sa
ganitong paraan, mas nagiging kapakapaniwala ang pagsasadula ng mga mambubuno.
Maliban sa mga naunang nabanggit, gumawa si
Barthes ng panibagong naratibo tungkol sa pagbubuno. Mas napahalagaan ko ang
panibagong naratibo na ito dahil nagulat ako sa kanang pagsusuri. Binanggit ni
Barthes na moralidad ang nais na ipahiwatig ng pagbubuno. Mas naaakit ang mga
manonood sa pagsubaybay sa laro dahil interesado sila kung sinu-sino ang
nananalo at ang mga natatalo. Maliban doon, nalilibang ang marami sa tuwing may
nakikita silang nasaksaktan at nahihirapan. Higit pa man, ang panonood ng
pagbubuno ay nagsisilbing katarsis. Dahil hindi tanggap sa lipunan ang pananakit,
idinadaan na lang ng masa ang kanilang kagustuhan sa panonood. Sa ganitong
paraan, natutupad ang ganilang kagustauhan habang sumusunod sa kagustuhan ng
lipunan.
Sobrang humhangga talaga ako sa galing ni
Barthes. Nagawa niyang kumuha ng isang bagay at ihambing sa napakaibang bagay.
Nakahanap siya ng kaugnayan sa pagitan ng dalawang bagay na ito. Sino ba na man
ang makakaisip na ang pagbubuno ay higit pa isang laro kung hindi ito ay isang
dula?
Niceee!
ReplyDelete