Naging isa sa pinaka sikat at pinaka kumitang pelikula sa Pilipinas ang Preybeyt Benjamin. Noong ipinanood ko ang pelikula, wala naman akong nakitang bago o espisyal sa pelikula. Naaliw at natawa lang ako sa katatawanan at mga nakaka-uyam na mga linya ni Vice Ganda. Nakaugnay ako sa kaniyang katatawanan dahil ganun na ganun din kami sa aming magbabarkada.
Halimbawa # 1
Guro: “Turn your book to p. 307.”
Kaklase # 1: “Ma’am anong gagawin
po naming dito? Babasahin”
Kaklase # 2: “Hindi, aamoyin!”
Halimbawa # 2 (galing sa
pelikulang Petrang Kabayo)
“Sir, ipapasok ko na po bas a loob
ang mga gamit?”
“Hindi! Ipasok mo sa labas!”
Ito ang tinatawag kong mga “Tanga
Lang Moments.” Nakuha namin ito dahil sa impluwensiya ni Vice Ganda sa masa. Magmulang
sumikat siya, naging patok na patok sa masa ang kaniyang nakakauyam na mga
linya at biro.
Naging matagumpay ang pelikulang
Preybeyt Benjamin dahil marami sa masang Pilipino ang natutuwa at naaaliw sa ganitong
klaseng katatawanan ni Vice Ganda. Palaging siyang pinag-uusapan at higit pa
man, palagi din siyang nagiging trending topic sa mga social media site katulad
ng Twitter. Marahil ito dahil naiiba kasi ang katatawanan ni Vice Ganda kaya
sinubaybayan siya araw-araw sa Showtime at tuwing Linggo sa Gandang Gabi Vice. Milyon-milyon
ang kaniyang taga-hanga at taga-suporta. Hindi na pinapansin ang kaniyang
sekswaliti at ang pagiging homoseksuwal niya dahil ang kaniyang katatawanan ang
hinahabol ng masa. Naging katanggap-tanggap na para sa masa ang kaniyang
pagiging bading at ito ang ipinaghuhugutan nila ng aliw.
0 comments:
Post a Comment